Naghahanap ng ka-partner | Bandera

Naghahanap ng ka-partner

Joseph Greenfield - February 12, 2015 - 01:38 PM

Sulat mula kay Jasmin  ng Dao Central Public Market, Tagbiliran City, Bohol 

Dear Sir Greenfield,

Nakakalungkot po ang buhay ko kung iisipin, kasi tuwing sumasapit na lang Valentine’s day lagi ako lang sa aming magkakaibigan ang walang partner. May mga boyfriend na kasi ang mga friends ko pero ako ewan ko ba kung bakit sa edad kong 27 na ay hindi ako ligawin. Matumal ang dating sa akin ng mga lalaki at kung minsan may nagkakamali ngang manligaw, hindi naman seryoso. Sir Greenfield, tanong ko lang kung sa taon bang ito ng 2015 aabot pa kaya sa Valentine’s day, magkaka-boyfriend na kaya ako? July 3, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Jasmin ng Tagbiliran City, Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May namataang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na hindi ka dapat mainip, dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka rin sa wakas, at sa nasabing pakikipag-relasyon, walang duda, ikaw ay magiging maligaya.

Cartomancy:

Ace of Hearts, Three of Hearts at Four of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Marso, sa taon ding ito 2015, magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking may initial na A. or C.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending