PIOLO di papatusin si CRISTINE

Personal daw na kinausap si Rayver Cruz

KINAUSAP pala si Rayver Cruz ni Piolo Pascual.

Aware kasi si Piolo na nauugnay ang kanyang pangalan sa soap co-star niyang si Cristine Reyes kaya naman kahit wala namang dapat ipagpaliwanag dahil wala naman silang relasyon ni Cristine ay minabuti pa rin niyang kausapin ang binata.

Sinabihan daw ni Piolo si Rayver na huwag mag-alala dahil hindi naman niya talaga tataluhin si Cristine.

Alam niyang makakasagasa siya ng relasyon at malayong maging sila ni AA (palayaw ng dalaga).

Sobrang humanga si Rayver sa gesture ni Piolo. Imagine, ito pa ang lumapit sa kanya para sabihing wala siyang dapat ipag-alala.Ang balita kasi, panay ang papansin nitong si Cristine kay Papa P.

Kapag may taping sila ay palagi raw itong nakadikit.

Some people say that she’s flirting with the hunk actor. Kaso, ang masakit, deadma lang daw si Papa P sa kanya.

Wa epek ang kanyang pagpapa-charming. How sad! Speaking of Rayver, naloka kami sa isang interview niya kung saan sinabi niyang hindi sila hiwalay ni Cristine at maayos ang kanilang relasyon.

Ang hula namin, may kinalaman si Cristine sa dayalog na ito ni Rayver.

Nasulsulan siguro siyang sabihin na hindi naman sila nag-break.

Naku, Rayver, kailan ka pa natutong magsinungaling? Rayver, you can tell it to the marines.

Hellllloooooo! Ikaw lang yata ang nakakaalam na hindi kayo nag-break. Kakatawa ka, Rayver.

Nang dahil sa pag-ibig ay parang natuto kang magsinungaling!

Read more...