ANG video na kumakalat ngayon sa Internet ay nakakapangilabot.
Nagsisimula ang video sa isang eksena na makikita ang isang unipormadong sundalo na nakatihaya, ang kanyang mga paa nakabukaka, ang kanyang mga kamay nasa kanyang dibdib.
Makikitang buhay pa siya.
Sa ilang saglit ay binabaril siya at close range ng .45 caliber pistol, ang kanyang paa at buong katawan nanginginig habang tinatamaan siya ng bala sa ulo.
Ang biktima ng atrocity ay nakasuot ng jungle fatigue uniform ng Special Action Force (SAF), commando unit ng Philippine National Police (PNP).
Ang video ay nakunan sa isang cellphone camera, ang kumuha ng video ay nasa tabi ng taong may hawak ng .45 caliber pistol at bumabaril sa taong wala nang laban.
Sa ibang eksena, makikita na sinasamsam ang mga gamit ng ibang SAF commandos at hinuhubaran.
Maririnig ang mga sunod-sunod na putok sa automatic rifles, tanda na ang ibang commandos na buhay pa na walang awa na pinagbabaril ng malapitan.
Maririnig ang mga taong nagsasagawa ng makahayop na gawain na nagsasalita ng Maguindanao o Maranaw.
Nakakasuka ang video na kinuha sa taniman ng mga mais sa Mamasapano, Maguindanao, kung saan minasaker ang mga 44 SAF commandos.
Malinaw na malinaw na ang video ay kinuha ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Anong dahilan kung bakit pinalabas ang video sa social media? Upang ipagyabang ng mga rebeldeng Moro ang pagkatalo ng mga SAF commandos sa kamay ng mga rebelde.
Dapat makita ang video ng ating mahal na Pangulo, na atat na atat na ipagpatuloy ang pakikipag-usap ng kapayapaan sa mga MILF.
Dapat ring makita ang video ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, na masugid na tagapagtanggol ng MILF.
Nagsimpatiya ang inyong lingkod kay Deputy Director General Leonardo Espina, officer-in-charge ng PNP, sa kanyang pag-iyak kahapon sa Kongreso kahapon.
Maihahalintulad si Espina sa isang ama na nakita ang kanyang mga anak na walang awa na pinagpapatay ng mga masasamang-loob.
Naalala ko na naman ang aking ama na si Ramon Sr. sa kanyang mga kuwento sa akin tungkol sa kanyang karanasan sa Sulu bilang opisyal ng Philippine Constabulary (PC).
Sinabi sa akin ng aking ama na bago siya mamuno ng patrol, sinasabihan niya ang kanyang mga tauhan na maglaan ng isang bala para sa kanilang sarili.
Babarilin nila ang kanilang mga sarili kapag malapit na silang magapi dahil sa kakapusan ng bala sa pakikipagbarilan sa mga Morong bandido.
Ayaw ng ama ko na magmakaawa sila ng kanyang mga tauhan sa mga bandidong Moro habang binabalatan sila ng buhay.
Likas sa mga Moro na babalatan o pahihirapan ang kanilang mga kaaway na nagapi nila, sabi ng aking ama na na-assign sa Sulu noong magtatapos na ang dekada ’40 hanggang mga dekada ’50.
Ang video ay nagpapatunay na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng mga Moro ang kalunos-lunos na pagpapahirap sa kanilang mga kaaway.
Napakalaki ang pagkakamali ng MILF o BIFF sa pag-upload ng video sa Facebook.
Hindi mapapantayan ang ngitngit ng publiko sa MILF.
Ang mga miyembro ng Kongreso na mag-iinsist na ipasa ang Bangsamoro Basic Law ay baka bitayin ng publiko.
Makabubuting tumahimik muna si P-Noy sa pagsusulong ng peace process sa MILF.
Baka mapasama siya sa kanyang karuwagan.
May bago na raw pangalan si Gen. Pio Catapang, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang kanyang bagong pangalan ay Caduwag.
Pinagtatanggol niya diumano ang kaduwagan ng kanyang mga tauhan sa hindi pagtulong sa mga nagagaping “SAF 44.”