Chiz kay Heart: Sorry, hindi ako pinalaking sweet!

heart evangelist
WALA pa palang plano sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero para sa kanilang honeymoon.

Sa Linggo na ang pinakahihintay na kasal ng senador at ng Kapuso actress sa Balesin Island sa Quezon pero aminado ang dalawa na hindi pa nila napa-finalize kung saan sila magha-honeymoon.

Pero sabi ni Chiz, parang trip nilang magbakasyon sa Japan after their wedding. Sa isang TV interview, inamin din ni Chiz na parang first time niyang ikakasal.

Alam naman ng lahat na ikinasal na noon ang senador kay Christine Flores pero nakipaghiwalay din hanggang sa maaprubahan na ang kanilang annulment.

In fairness, tinanggap lahat ni Heart ang nakaraan ni Chiz, pati na ang dalawang anak nito sa unang asawa. Kaya nga biro kay Heart ng kanyang mga kaibigan, may mister na siya, “instant mommy” pa.

Natanong naman sa nasabing panayam ang senador kung feeling ba niya ay magtatagal ang relasyon nila ng Kapuso actress matapos na hindi swertehin sa unang pag-aasawa.

“Una sa lahat, lahat ng kinakasal…wala namang 100 porsyento. Bahagi ‘yon ng pag-aalam na tunay na mahal mo dahil hindi ka sigurado. Kung sigurado ka, hindi mo kailangan mahalin,” tugon ng politiko.

Hirit pa nito, “Sigurado kang uubra, eh, siguro kang tatagal, sigurado ka sa lahat. E ‘di walang reason kung walang panganib na hindi gumanda ang resulta.”

Aminado naman si Chiz na meron din siyang mga pagkakamaling nagawa noon bilang asawa, at hindi niya ipinapangako na hindi na siya uli magkakamali pero ita-try daw niyang mas maging mabuting mister ngayon kay Heart, “Palaging meron. Pangunahin na siguro, hindi ako pinalaking sweet o affectionate.”

May ganu’n? Pero kung ang pagbabasehan ay ang mga litrato nila ni Heart sa Instagram kapag magkasama ay super sweet sila. Bukod pa ‘yan sa mga nababalitaan namin na kung minsan ay OA na raw ang kanilang PDA (public display of affection) – as in daig pa  nila ang mga higschool students sa sobrang kaswitan.

Read more...