Orton ibabandera ng Purefoods ngayon

Games Today
 (Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs. San Miguel Beer
7 p.m. NLEX vs. Purefoods Star

IPAPARADA na ng Purefoods Hotshots si Daniel Orton sa pagtugis nila ng ikaapat na panalo kontra NLEX sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 p.m., hangad kapwa ng San Miguel Beer at Blackwater Elite na maiposte ang una nilang  panalo sa torneo sa kanilang pagtutuos.

Sa tulon g ng pansa-mantalang import na si  Marcus Blakely, ang Hotshots ay nagwagi kontra  Globalport (83-70), Alaska Milk (108-88) at Blackwater (98-86).

Ang 6-5 na si Blakely, na siyang import ng Purefoods Star para sa third conference, ay kinuha ng Hotshots habang hinihintay ang 6-9 na si  Orton na nakatali pa sa Chinese Basketball Association.

Makakasagupa ni Orton ang lehitimong NBA veteran na si Al Thornton na gumawa ng 39 puntos sa 96-95 pagkatalo ng NLEX sa Alaska Milk noong Sabado.

Gaya ng Beermen at Elite, hindi pa nakakapasok sa win column ang Road Warriors na natalo rin sa Rain Or Shine, 96-91, sa una nilang laro.

Ang San Miguel Beer, na champion sa katatapos na   Philippine Cup, ay galing sa 95-82 kabiguan kontra Barangay Ginebra. Bago iyon, ang Beermen ay hiniya ng expansion franchise Kia Carnival, 88-78.

Ang Blackwater ay nasa ibaba ng standings at wala pang panalo sa tatlong laro. Katunayan ang Elite ay hindi pa nagpoposte ng panalo buhat nang maging miyembro ng pro league at may 14-game losing streak.

Sa import match-up ay magkikita sina Gilas Pilipinas naturalized center Marcus Douthit at ang batambatang si Ronald Roberts, Jr.Ipinangako ni Douthit na ihahatid niya sa panalo ang Blackwater bago siya palitan ng original choice ng koponan  na si Chris Charles na kasalukuyang nagpapagaling buhat sa hamstring injury.

Read more...