“TAPOS na yun!” Ito ang dialogue ni Regine Velasquez nang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Kris Aquino at Pangulong Noynoy matapos mapatay ang 44 na pulis ng Special Action Force ng PNP.
Sa presscon ng “ULTIMATE” concert nina Regine, Martin Nievera, Gary Valenciano at Lani Misalucha, ayaw nang pag-usapan ng Songbird ang tungkol dito.
Naging isyu kasi ang pag-unfollow ni Kris kina Regine at Ogie Alcasid sa Instagram matapos magbigay ang mga ito ng komento laban sa ginawang pang-iisnab ni P-Noy sa heroes’ welcome para sa tinaguriang Fallen 44.
Sey ni Regine, “I do follow her. But I wasn’t aware (na in-unfollow siya ni Kris). Pero for me, it’s not an issue.” “Alam mo it’s finished. I couldn’t understand the whole thing.
Hindi ko din naintindihan kung ano ba ‘yon at kinwento lang sa akin ng asawa ko. Walang anything, walang samaan ng loob,” dagdag pa ng TV host-singer.
At tulad ni Regine, nanawagan ang mga kasamahan niya sa “ULTIMATE” concert na maging mahinahon sa mga ganitong isyu ng bayan, kasabay ng pagpapakita nila ng suporta sa Aquino administration sa kabila ng mga nangyari.
“Kung anuman ang nangyayari sa atin and sa kanya – ang dami na din niyang problema, I guess ang pinaka-the best (song) for this issue is ‘Let It Go,'” ang pahayag ng Asia’s Nightingale.
Sey naman ni Regine, “Sa dami nang pinoproblema natin ngayon parang I guess tama na muna ang sisihan. Let’s just all pray for our President, who’s going through a lot, and let’s pray for the families of the fallen 44.
Maraming dapat ayusin pero siguro hindi ito ‘yung time to point fingers.” Chika naman ni Martin, “Stop being soloist for once in your life, learn to harmonize.” Dagdag niya, baka raw may matinding dahilan si P-Noy sa naging desisyon nito sa Mamasapano incident.
Kasabay nito, ipinaganggol din niya si Kris sa mga basher, tao lang din daw ang TV host na nasasaktan, mahirap din daw kasi ang katayuan ni Kris ngayon.
Nang tanungin naman si Gary kung ano ang maibibigay niyang advice kay P-Noy, “Seek council not from too many people but only from one who has put him and made him leader of the nation.
“There’s nothing wrong in seeking counsel in the one who can give everything, what he needs and so much more. No matter how difficult things have become, there’s only God who can see.
Once he does that, there’s more than what is amazing that can happen to him, to guide him and to help him make the right decision.”