Speaking of Gary, nag-volunteer pala talaga siya para maging wedding singer sa pag-iisang dibdib nina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano.
Alam n’yo ba na nagsimula pala ang love story nina Toni at Paul nang magkita sila sa isang concert ni Gary sometime in 2006? Kaya nga na-excite rin si Mr. Pure Energy nang malaman niyang nag-propose na si direk Paul kay Toni.
Ikinuwento rin ni Gary na ang future husband ni Toni ang nagdirek ng nasabing concert siyam na taon na ang nakararaan.
“Talagang sabi ko, ‘Lord, I’d been waiting for this moment that they would finally come together.’ People had been asking me years ago ‘Kailan ba si Paul at Toni?’
But now this is the right time,” chika pa ng singer-TV host sa presscon ng two-night Valentine treat ng apat na music icon ng bansa, ang “ULTIMATE” sa Feb. 13 at 14 sa SM Mall of Asia Arena, presented by PLDT Home DSL, Belo at GMA Network.
Bilang isang ama at asawa, ano ba ang maibibigay na advice ni Gary kina Toni at Paul? “My advice to them is just to wait and enjoy the ride because it’s going to be an incredible ride.”