‘Milagro ang nangyayari ngayon kay Jam Sebastian!’

jhong hilario
MATAPOS bisitahin nang personal ni Vice Ganda ang cancer patient at dating YouTube sensation na si Jam Sebastian, isa pang It’s Showtime host ang nagpalakas ng loob ng binata para ipagpatuloy ang paglaban sa kanyang sakit.

Nagulat na lang si Jam nang biglang sumulpot ang TV host-dancer-actor sa kanyang hospital room para siya’y dalawin. Ilang buwan na ring naka-confine si Jam dahil sa lung cancer.

Kasama pa ni Jhong ang kanyang pamilya para pasayahin at patuloy na bigyan ng pag-asa si Jam sa pinagdaraanan nito na kamakailan nga ay nagpahayag na gusto na niyang magpahinga at tapusin na ang kanyang paghihirap.

Mismong ang kapatid ni Jam na si Yexel Sebastian ang nag-post sa Facebook ng pagbisita ni Jhong sa ospital. Todo-todo ang pasalamat ni Yexel (na dati ring dancer) sa pamilya ni Jhong dahil sa effort ng mga ito para bigyan pa ng pag-asa ang kanyang utol.

Ayon sa mensahe ni Yexel na ipinost niya sa FB, “Salamat Kuya Jhong and Ate Maia and whole Family. Kahit Busy kayo ay nakapagbigay kayo ng oras. God bless =)!”

Bago ito, nabasa rin ng netizens ang latest development sa kundisyon ni Jam: “Sa mga oras na ito ay milagro ang nangyayari kay Jam. GRABE KA LORD! Ang hirap paniwalaan, maraming salamat po.

Wala pong kapantay ang pagmamahal at hiwaga niyo.” Marami ang nagkomento na malaki ang nagawa ng pagdalaw ni Vice kamakailan sa pagbuti ng kundisyon ni Jam.

Sabi nga ng pamilya ng binata, kitang-kita nila ang kaligayahan sa itsura nito nang pabigyan ng TV host-comedian ang hiling nito na dalawin siya sa ospital.

Read more...