Ate V, Luis may pasabog sa ika-20 anibersaryo ng ASAP

vilma santos
Speaking of ASAP, muling gagawa ng makasaysayang pagtitipon sa Philippine TV ang Sunday musical show ng ABS sa kanilang ika-20th anniversary kasama ang biggest stars ng Kapamilya network na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Feb. 22.

Masasaksihan sa ASAP center stage ang masayang barkadahan ng The Hunks, Coverboys at Kantoboys. Susundan ito ng kapana-panabik na teen segments ng Pare Konnection, Kidlots, Kidlettes at Gimme 5; at ng all-star girl power ng ASAP It Girls at ASAP IG. Hindi naman papaawat ang breath-taking dance reunions ng Sayawnara, Clashdance, Anime, Giggerboys, UD4, Supahdance, at world class musical reunions ng The Champions, Sessionistas at ang masayang barkada ng ASAP Karaokey.

Tiyak na kikiligin ang  lahat sa romantic Kapamilya team power ng KathNiel, Lizquen, JaDine at KimXi. Hindi pahuhuli sa pasiklaban ang ultimate musical collaboration nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Bamboo and Sarah Geronimo; na susundan ng jaw dropping performances of ASAP hosts na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Kuh Ledesma, Vina Morales at Gary Valenciano sa kanilang pinakahihintay na reunion.

World-class Filipino talent ang siguradong ipapamalas nina Arnel Pineda, Charice, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto with surprise OPM guests. Maki-jamming din sa masayang kantahan ng ASAP Sessionistas.

Tiyak na kakaibang tawanan at saya ang hatid ng inaabangang get-together ng ASAP’s ultimate boy group na Kanto Boys kasama sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro at John Lloyd Cruz.

May sorpresa rin ang ASAP It Girls na sina Liza Soberano, Janella Salvador, Julia Baretto, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Anne Curtis, Nikki Gil, Jolina Magdangal, Roselle Nava, Nikki Valdez at Lindsay Custodio sa kanilang nakakaaliw na performance.

May dance showdown din sina Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Regine Tolentino and Vina Morales; na susundan pa ng ASAP Grand Karaokey Challenge kasama sina Luis Manzano, Alex Gonzaga at ang inaabangang pakikisaya ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Sa Feb. 22 na ‘yan, Linggo, 12:15 p.m. sa ABS-CBN.

Read more...