Nadine, James napasabak sa drama

nadine lustre
MAS nakakikilig na Valentine’s Day ang hatid sa viewers ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Peb. 14) dahil itatampok dito ang patok na “JaDine” loveteam – sina James Reid at Nadine Lustre.

Gaganap sina James at Nadine bilang sina Yong at Carmina, ang magkarelasyong pinakbuklod ng labis na pagkahilig ng huli sa love stories at sa listahan ng mga palatandaang magdadala sa kanya patungo kay “Mr. Right.”

Matutulungan ba ng mga love sign sina Yong at Carmina sa sandaling dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon?
Bahagi rin ng upcoming MMK Valentine special sina Sharmaine Arnaiz, Hyasmin Neri, Andre Garcia, Aina Solano, Erin Ocampo, Myrtle Sarosa, Nicole Barranda, Kyra Custodio, Axel Torres, Onse, Noel Colet at Marites Samson.

Ito ay sa direskyon ni Frasco Mortiz at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Read more...