JESSICA SANCHEZ nakakatakot mag-perform sa AMERICAN IDOL

Phillip Phillips makalaglag-panty ang sex appeal

KAPAG nasa bahay ako, I make sure na nasusubaybayan ko ang American Idol dahil the show becomes very exciting every minute.

Kasi nga, nasa final stage na halos ang competition at nasa labanan pa rin ang ating kababayan, the 16-year old half-Pinoy and half-Mexican na si Jessica Sanchez.

Kasama niya sina Josh Ledet, my super crush na si Phillip Phillips, Skylar Laine and Hollie Cavanagh.

As of this writing, napag-alaman ko nang hindi na-vote out si Jessica – si Skylar ang natsugi kaya the more na nakaka-tense dahil nasa top 4 na ang bagets natin.

Mahusay naman kasi talaga si Jessica though, without biases, meron siyang tendency to scream in some high notes. No question kung maaabot niya ito o hindi because in fairness to her, mataas ang range ng boses niya.

But sometimes, depende pa rin sa song.

Mabuti na lang at sosyal siyang mag-project kaya everything looks classy and she gets away with it at times.

Ang walang kaduda-dudang magaling ay itong si Joshua na halatang may pagkabadingding – kaya tawa ako nang tawa nang mag-duet sila ni Phillip Phillips ng “You’ve Lost That Loving Feeling” dahil kung gaano ka-cool si Papa Phillip, siya namang sobrang conscious ni Josh

Ha-hahaha! Napakaguwapo at super-sexy kasi ni Phillip Phillips, makalaglag-panty kumbaga.

Wala siyang pangit na anggulo and he looks like a teaser.

Siya yung tipong walang pakialam kung magustuhan siya ng mga tao sa performances niya o hindi – cool na cool lang siya but my gosh, that artistry and musicality, like no other! I super love Phillip Phillips.

Kung mayaman lang ako, pakakasalan ko siya agad. Ha-hahaha! Kaloka, di ba?

Si Hollie naman, mahusay nga siya pero kulang sa personality and distinction in character. Parang one of those kumbaga.

Marami siyang katulad. Unlike Jessica, who, at 16, ay halata mong kakaiba ang personalidad.

May spank.

But this Hollie is very ordinary. She may be good at times pero inconsistent.

Jessica is very good kaya lang, she must be very careful with the songs she chooses kasi nga, she’s very young.

Unlike Joshua na kahit anong piece yata ang ibigay mo, kaya niyang paglaruan. Though may pagka-squeaky naman ang boses niya. But he’s damn good.
If I were a judge of American Idol, ang gusto kong manalo, it’s either Phillip Phillips or Jessica Sanchez.

Not because she is Filipina (echos!!!) but because of her style.

Pero kung tutuusin, honestly speaking, di-hamak na mas marami tayong pure Pinay singers here who sing better than Jessica.

But because she’s part Filipina kaya oks na rin sa atin.

Phillip Phillips naman is really compelling, just like how Jennifer Lopez described his performance.

Di mo na papansinin ang melody ng songs niya, but watching him perform parang you will be glued sa seat mo until he finishes his act bago ka mapapapalakpak.

Regardless kung na-hit niya ang tamang tono o hindi. He has this certain magic in him na wala ang iba.

Kita n’yo naman, kesehodang nagpapapadyak na sa stage ang ibang kasamahan niya belting out their numbers, si Phillip ay cool na cool lamang na hawak ang gitara niya at pangiwi-ngiw ng cute niyang mukha na ikalalaglag talaga ng underwear mo. How sexy indeed! I love you, Phillip. Ha-hahaha!

Si Skylar ay medyo babalina lang though bumpy siyang mag-perform.

Mataas na ang inabot niya to be on top 5, di ba? Hindi na siguro siya puwedeng mag-complain pa.

That’s the highest I think she could get. Ako naman,

I am praying na makasama man lang si Jessica hanggang Top 3 kung hindi man siya maging grand winner.

Gusto kong matanggal muna si Hollie then bahala na kung sino kina Jessica,

Joshua and Papa Phillip ang manalo.
Wala akong itulak-kabigin sa kanilang tatlo.

Pero pag si Phillip Phillips ang manalo, pag-iipunan ko talaga para maipag-produce ko siya ng show dito sa ‘Pinas. Ganoon katindi ang dating niya sa akin.

Ha-hahaha! Baklang-bakla ang review ko sa American Idol, ha! Eh ganoon talaga,  lahat naman sila ay magagaling kumanta kaya labanan na ito ng stage presence, bah!

Congrats to the new list, the top 4. May the best performer win.

Pero ipag-pray natin sina Jessica and Phillip ha. Yung iba, kaya na nilang ipag-pray ang mga sarili nila. Ha-hahaha! How unfair naman of me.

Read more...