Wish ng madlang pipol sa mga Bossing ng ABS: Please, ibalik ang Kimerald Loveteam!

kim chiu
Sa ginanap na ASAP 20 presscon ay wala ang ilang orihinal hosts na sina Dayanarra Torres, Ariel Rivera at Pops Fernandez, pero naroon naman ang pinakamatagal na sa show na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla plus Vina Morales, Nikki Gil, Robi Domingo, Alex Gonzaga at Piolo Pascual.

Sa teaser kasi ng ASAP 20 ay ipinakita na may malaking selebrasyong mangyayari at isa na si Dayanarra sa madalas na i-focus kaya naman naisip ng entertainment media na dumalo sa presscon na darating ang former beauty queen para makiisa sa nasabing selebrasyon.

May paliwanag ang business unit head ng show na si Joyce Liquicia, “Unfortunately, she (Dayanarra) answered last week lang, we’ve been trying to get in touch with her last year pa when we were in LA (Los Angeles for a show), tapos last week lang sumagot si Dayanarra and she has a lot things to do and she want to be part of it kaya lang masyado na raw tight ‘yung schedule.

So, we prepared something na lang for the anniversary na mapapanood n’yo sa February 22,” sabi sa amin. Last Feb. 5 ang anniversary ng ASAP, pero ise-celebrate pa lang nila ito sa Mall of Asia Arena sa Peb. 22 nang live, pero ang eere sa Marso 1 ay pre-taped na, “‘Yung sa Arena, tuluy-tuloy ang show, hahatiin lang into two parts,” sabi ng executive producer ng show na si Apples Salas-Segubience.

At dahil 60 ang artista ng ASAP at bongga pa ang lahat ng segments ay hindi itinanggi ni Ms. Apples kasama na rin si Ms. Linggit Tan na naging bahagi rin ng longest running variety show ng ABS-CBN na inaabot sa limang milyon ang budget ng programa linggu-linggo, “Pero isa po ang ASAP sa money-maker ng ABS-CBN,” sabi ni Apples.

Samantala, grabe ang palakpakan at hiyawan ng production staff at mga imbitadong entertainment reporter/writer nang magsaway na sina Gerald Anderson at Kim Chiu para sa throwback dance segment nila dahil kitang-kita kasing may kilig pa rin ang tambalang Kimerald.

Dapat pala ay kasama si Rayver Cruz sa production number na iyon nina Kim at Gerald pero maysakit ang aktor kaya’t ang Kimerald na lang ang nag-perform na naging highlight sa presscon.

Kaya’t tinanong sina Kim at Gerald kung na-miss nilang sumayaw na magkasama, “Oo nga po, naging throwback ‘yung kanta, throwback din ‘yung loveteam, ganu’n po mag-isip ang ASAP, eh,” say ng dalaga.

Naku, tiyak na makakatanggap ng sangkaterbang e-mail ang production mula sa Kimerald fans para hilingin na muli silang gawan ng segment sa ASAP 20.

Heto na nga bossing Ervin, nag-post kasi kami ng litrato nina Kim at Gerald sa Twitter account namin habang sumasayaw sila noong Linggo, naku ang daming nag-retweet na Kimerald at nag-e-mail sa amin na i-push pa namin ang balik-tambalan ng dalawa maski sa ASAP lang.

Tanggap naman nilang si Xian Lim na ang ka-loveteam ngayon ni Kim, pero sana pagbigyan naman daw silang mapanood ang Kimerald sa throwback segment ng ASAP.

Read more...