Lea kakaiba ang hugis ng tiyan; Apl.de.Ap super kikay

lea salonga
“Ikaw ba iyan Kuya Ambet?” ang tanong ng ampon naming si Luis Manzano during one of the gaps ng show at habang nagre-ready siya to interview the coaches.

Ang talas ng mga mata ni Luis in fairness (well, nasa gilid lang naman kami halos ng coaches) dahil talagang nakita pa niya kami kahit kilig na kilig ang Resorts world audience sa pagpunta that night ni Angel Locsin (ayon sa aming source ay may date daw ang dalawa after ng show).

Nakaka-touch ang mga ganu’ng “acknowledgment gesture” di ba, kapatid na Ervin? So simple, pero ramdam naming sincere na sincere at winner ang peg ha, dahil para lang siyang nakakita ng isang kakilala na bigla niyang binati kahit na on cue na siya sa spiels niya.

Ha-hahahaha! Manang-mana talaga sa aming mahal na dear-idol-friend-kumareng si Ate Vi si Luis.  Angel was wearing a simple shirt with matching eyeglasses at simpleng nakalugay ang buhok.

Tuwang-tuwa din ito sa mga contestants at talagang palakpak din nang wagas kasama ang supporters ng bawat kalahok.
Among our observations that night: biglang nag-iba ang aura ni Toni Gonzaga na talagang liyad kung liyad ang mga daliri lalo na kung saan nakasuot yung engagement ring niya. Ha-hahaha!

Nagtanong ang mga kasama namin at katabi sa upuan kung buntis daw ba si Lea Salonga dahil iba ang hugis ng tiyan nito sa kasuutan niya that night? And yes, guwapong-guwapo rin kami kay Bamboo na ang pormal-pormal that night kumpara sa super “kikay” na si Apl.de.Ap.

Of course, si Sarah pa rin ang may pinakamalakas na sigawan at tilian everytime na tatawagin ang team niya!

Read more...