Pagtatanggol sa kanyang pinakamamahal na BF
HALATANG napikon na rin si Bianca Manalo sa mga isyung ibinabato sa kanila ni John Prats, lalo na ang kuwentong ginagawa lang daw siyang personal alalay ng kanyang boyfriend.
May kuwento kasing kumalat na kapag wala raw trabaho si Bianca ay tatawagan siya ni John Prats para magbitbit ng kanyang mga gamit.
May chika pa nga na si Bianca pa ang namimilit na sumama sa mga lakad ni Pratty para raw mabantayan niya ito nang bonggang-bongga.
At sa ginanap ngang presscon ng bagong fantaserye ng ABS, ang Aryana na mapapanood na sa darating na Lunes sa Primetime Bida, sinagot ni Bianca ang isyung ito, “Oo nga, e.
Ibinalita ‘yan sa kabila, ‘Bianca Manalo, taga-bitbit lang ng bag ni John Prats.’ Tanong ko nga, ‘Kailan nangyari yun?’ Hindi totoo yun!” “Lalake si John, hindi niya hahayaan na mangyari ‘yun sa akin, na partner niya ako, pagbibitbitin niya ako ng gamit?
Anong sense?
Kulang na nga lang tumalon-talon siya kapag magkasama kami at kung gaano siya kasaya, ‘tapos gagawin niya lang yun sa akin?” depensa ng beauty-queen turned actress.
Ayon pa kay Bianca, okay na okay ang relasyon nilani John Prats, “Masaya kami.
Nakita n’yo naman, napanood ng lahat kung paano kaming dalawa.
“Kami, nagdadasal lang na kung gaano kami ka-strong sa isa’t isa, kung gusto ni Lord, kami pa rin.
Basta ako, nagsusuportahan kami,” chika pa ng TV host-actress.
Nahingan din ng comment si Bianca tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Miriam Quiambao na tulad niya ay naging Bb. Pilipinas-Universe din, sinabi kasi nitong galing daw sa demonyo ang kabadingan, “Well, ako, mahal ko ang mga kapatid nating ganyan (bading), kasundo ko sila.
“Karamihan sa mga supporters ng mga beauty queens ay mga kapatid nating mga gays.
So, ang akin siguro, kung may nasabi man siyang ganu’n, opinion niya yun, wala akong say du’n. Iba ang stand ko, iba ang stand niya, nirerespeto ko yun,” sagot ni Bianca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.