NILINAW ni 2014 Miss Universe third runner-up Ariella Arida na wala siyang kinalaman sa pag-alis ng ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre sa Mercator Models ni Jonas Gaffud kung saan kabilang na rin siya ngayon as one of the talents.
Wala raw siyang pakialam sa pag-alis ni Ervic kay Jonas. At ‘di siya naniniwala na siya ang dahilan nang pagkalas ng Kapuso actor kay Jonas para iwasan siya.
Kung anuman daw ang dahilan ni Ervic sa paglayas sa Mercator Models sila lang ni Jonas ang nakakaalam. Ayon pa kay Ariella, hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa Mercator ay nakaalis na si Ervic sa management ni Jonas.
At pagkatapos naman ng kontrata niya sa Bb. Pilipinas ay agad siyang pumirma sa Mercator. Kabilang sa prestigious set of judges si Ariella at manager niyang si Jonas sa 2015 Miss Mandaluyong beauty pageant na ginanap sa Mandaluyong City gym last Saturday.
Nagbigay pa ng inspirational speech si Ariella sa mga kandidata on stage. Isa pang prestigious member of the board of judges sa taunang beauty pageant ng city government ng Mandaluyong si 2014 Miss Earth and our very own Jaime Herell.
Ilan pa sa mga hurado sa Miss Mandaluyong 2015 ay si Jessa Zaragosa, ang La Salle volleyball player na si Mika Reyes at marami pang iba. Mika is the girlfriend ng sikat na basketball player from Ateneo University na si Keiffer Ravena na naroon din sa coronation night ng 2015 Miss Mandaluyong.
Anyway, ang candidate #29 na si Nichelle Yvette Corral ng Barangay Harapin ang Bukas ang tinanghal na Miss Mandaluyong 2015. Kinoronahan si Yvette nina Ariella at Jaime katuwang ang butihing maybahay ni Mayor Benhur Abalos na si Mayora Menchu.