Ibalik ang Philippine Constabulary

MALIWANAG na ngayon na walang magandang samahan ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Lumabas ang ganoong impormasyon sa testimonya ni Director Getulio Napenas, sinipa na hepe ng Special Action Force (SAF), sa kanyang testimonya kahapon sa Senado na nag-iimbestiga sa Mamasapano massacre.

Naipit ang SAF sa di mabuting pagsasamahan ng PNP and AFP kaya’t di tumulong ang huli sa mahigit na 300 SAF commandos na nalagasan ng 44 katao.

Ang malaking pagkatalo ng government troops ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay tinaguriang Mamasapano massacre.

Sinabi ni Napenas na di siya nakipag-coordinate sa AFP sa operation na kunin si Zulkifli bin Hir alyas Marwan dahil wala siyang tiwala sa AFP.

Noong 2010, 2012 at tatlong beses noong nakaraang taon, lahat ng operation ng SAF na kunin si Marwan ay di nagtagumpay. Pinaalam daw ang mga ito sa AFP, sabi ni Napenas.

Kahit na raw A-1 o masyadong reliable ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Marwan, di nagtagumpay dahil alam ng AFP na magkakaroon ng operation.

Ibig sabihin ay may magandang samahan ang AFP at MILF dahil sa peace agreement ng gobyerno sa mga Moro.

Kaya’t masisisi mo ba si Napenas kung hindi siya nakipag-coordinate sa AFP habang pinaplano ang operation na kunin si Marwan?

Oo nga’t nagtagumpay ang SAF sa pagkakapatay kay Marwan, pero nalagasan naman sila ng 44 katao.

Ang tawag diyan ay Pyrrhic victory, ibig sabihin ay, Marwan’s death was not worth the deaths of 44 commandos.
qqq

Sabi ni Gen. Gregorio Pio Catapang, AFP chief of staff, hindi ipinaalam ng SAF sa military sa Maguindanao na magkakaroon sila ng operation.

Pero sinabi sa Senate hearing ni Napenas na ipinaalam sa military ang operation nang ang mga SAF ay nasa puwesto na at nakahanda nang pumasok sa teritoryo ng MILF kung saan nagtatago si Marwan.

Humingi pa nga raw ng artillery cover ang SAF pero di pinagbigyan ng military.

Sa mga taong malaki ang paghanga sa military, gaya ng inyong lingkod, nakakasuka ang sinabing yun ni Napenas.

Nag-aangilan ang mga magkakabaro na AFP at PNP.
***

Bakit walang magandang samahan ang AFP at PNP sa mga panahong ito?

Hindi na kasi bahagi ng AFP ang PNP di gaya noong araw na ang national police ay ang Philippine Constabulary (PC).

Ang PNP ang pumalit sa PC, na may mahaba at makulay na kasaysayan.

Ang PNP ay civilian organization.
The PC was one of the major commands of the AFP, the others being the Philippine Army, Philippine Air Force and Philippine Navy.

Inalis ang PNP sa AFP at ginawa itong civilian organization noong panahon ni President Cory Aquino.

Anong solusyon sa problema?

Ibalik ang PC at gawing civilian ang mga local police forces.

Noong araw kasi, may check and balance ang PC at local police. Kapag umabuso ang local police force ay iniuutos ng Pangulo na maging under PC control ang abusadong local police.

Dahil ito’y military, disiplinado ang mga PC troopers.

At kapag naman may umaabusong PC soldier ay inaaresto naman ng local police.

Anong dahilan kung bakit nilansag ang PC at ginawa itong PNP sa Bagong Saligang Batas?

Dahil ipinasa ang New Constitution noong panahon ni Pangulong Cory na may galit sa PC dahil ilan sa mga miyembro nito ang umaresto kay Sen. Ninoy Aquino nang idineklara ni Marcos ang martial law noong September, 1972.

Read more...