Jobless wagi ng P61.3M

NANALO ng P61.3 milyon ang P20 na taya sa lotto ng isang jobless mula sa Zambales.

Pumunta sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo sa Lotto 6/42 na binola noong Pebreo 3, 2015.

Tinamaan niya ang mga numerong 05-11-13-22-26-38— na pawang galing umano sa kaarawan at edad ng miyembro ng kanyang pamilya.

Ang nanalo ay 38-anyos, may-asawa at dalawang anak. Matagal na umano siyang tumataya sa lotto.

Samantala, wala namang nanalo sa unang bola ng Ultra Lotto 6/58 noong Linggo. Lumabas ang mga numerong 57-05-53-42-18-55.

Umabot sa P12.5 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Ang jackpot ay P50 milyon.

Nanalo naman ng tig-P280,000 ang isang mananaya na nakalimang numero. Tig-P3,220 naman ang 156 mananaya na naka-apat na numero at ang balik-taya ay 4,646 mananaya.

Read more...