Vice napaamin si Angelica sa dahilan kung bakit iniwan ni Lloydie si Shaina

john lloyd cruz
Feeling ni Angelica Panganiban siya talaga ang dahilan kung bakit naghiwalay noon sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, sabay nag-guest ang magkaibigang Angelica at John Prats na ex-boyfriend naman ni Shaina. Inamin ng aktres na nahirapan siyang aminin kay Pratty na sila na ni Lloydie dahil kunek-kunek na nga ang loevlife nila.

Sey pa ni Angelica, inokray-okray din daw niya noon si Lloydie para madaling maka-move on ang kaibigan niyang si John Prats. ”Pero alam naman ‘yun ni Lloydie ngayon.

Para maka-move on siya (Pratty), sabi ko, ‘Ano ka ba, kaya mo ‘yan! Isipin mo di sila bagay, maghihiwalay din sila!’ Ako pala ‘yung magiging dahilan. Ha-hahaha!” chika pa ng aktres.

Hirit naman ng GGV host na si Vice Ganda, “A, so ikaw ang dahilan kaya sila naghiwalay?” “Feeling ko,” sagod ni Angelica.
Sabi naman ni Pratty may “awkward moment” talaga kapag nakikita niyang magkasama sina Angelica at John Lloyd.

Sey ni John, “Alam ko na naman noon. Sabi ko, seryoso ba ‘yan? Paano nangyari ‘to? Tapos eventually noong Star Magic Ball, nag-usap na kami ni Lloydie. Sabi ko sa kanya, ‘basta alagaan mo ‘tong best friend ko.'”

Read more...