ALAM mo ba kung bakit paborito ng mga traffic officers na sitahin ang “out of line?” Mahal ang multa sa out of line at nadaragdagan ang mga babayaran habang hindi naaayos ang kaso.
Ang multa sa out of line ay P6,000, na babayaran ng operator o may-ari ng sasakyan.
Sa first offense, bukod sa multang P6,000, ay may karagdagang P1,500 sa bawat araw na di naaayos ang suspensyon ng rehistro.
Bukod dito, maaari ring ma-impound ang sasakyan ng tatlong buwan.
Multa, karadagang bayad at impound; o lagay na lang?
Sa aming palagay ay dapat baguhin ang parusa dahil nakatutukso talaga ang multa.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 30, 2009
MOST READ
LATEST STORIES