MAS enjoy daw ngayon si Geoff Eigenmann sa pagiging single. Aminado ang Kapuso actor na hindi niya pinoproblema ngayon ang kanyang lovelife, kumbaga chilax lang ang drama niya sa buhay.
Komportable raw siya sa pagiging single at sanay na rin daw siya sa pagiging “alone” kapag nakikipag-break siya sa kanyang karelasyon.
“Hindi naman sa ginusto kong ituluy-tuloy na maging single but I’m comfortable being single. I’m comfortable kasi it’s not the first time it’s happened. I was never one to jump into one relationship after another anyway.
“So sanay ako na if I break up with someone, sanay ako sa time alone. Everything is a choice naman, e. Only difference this time is for my past na I’ve decided to focus on myself instead of sulking at nagda-drama sa kung anuman.
I decided to do something about it and iyon, focus on myself and make something better,” esplika ni Geoff na muling mapapanood sa bagong afternoon series ng GMA, ang Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama sina Max Collins, Empress at Dion Ignacio.
Sey pa ng ex ni Carla Abellana, handa na uli siyang magmahal uli, “Yeah, I guess kung tinatanong n’yo kung ready na ba ako to get into another relationship, for me anything is possible.”