Cesar, Gisellle sumugod sa Mamasapano, naging emosyonal

cesar montano
Naging emosyonal sina Cesar Montano at Giselle Sanchez nang personal silang nagtungo sa lugar kung saan napaslang ang 44 miyembro ng PNP-SAF sa isang engkwentro sa Maguindanao.

Parehong napaluha sina Buboy at Giselle nang makita ang mismong clash site sa Mamasapano, Maguindanao at ang mga naapektuhang sibilyan sa nasabing bakbakan na sumalubong sa kanila roon kasama ang ilang local government officials na siyang umasikaso sa kanila roon.

Ayon kay Giselle, sana raw ay ito na ang huling magaganap na sagupaan sa nasabing lugar at maging sa buong Mindanao para sa katahimikan ng sambayanan.

Hindi raw talaga niya makita ang logic ng patayan ng Filipino sa kapwa Filipino at ang lohika ng giyera ng iisang lahi.
“Sana wala ng dumanak na dugo rito o kahit saan pang panig ng bansa natin,” umiiyak na pahayag ni Giselle sa ANC News.

Sabi naman ni Cesar, “Hindi lang mga pulis at sundalo ang involved dito, e, pati sibilyan, lalo na ang mga bata, kaya talagang hindi giyera ang sagot para matigil ang kaguluhan sa Mindanao.

Ang pagkakasunduan at malinaw na usapan sa pagitan ng dalawang panig ang isa sa mga sagot sa pangmatagalang kapayapaan.”

Read more...