Charice bumirit ng ‘Let It Go’, nag-trending worldwide

charice pempengco

MATAPOS bumirit nang todo-todo ng Academy-award winning song na “Let It Go” mula sa Disney movie na Frozen, nag-worldwide trending si Charice.

Hindi lang pasok sa top 10, kundi siya mismo ang nakakopo ng unang spot sa Twitter trending sa buong mundo. Ito ay matapos mag-perform ni Charice sa ika-20 anibersaryo ng ASAP sa ABS-CBN.

Sa kayang performance, kasabay ni Charice sa entablado si Lea Salonga. Napahangang ng todo ni Charice ang netizens sa kanyang rendition ng “Let It Go” na maraming beses na ring inawit ng mga kilalang singer sa bansa at sa buong mundo.

Ayon kay Director Don Cuaresma “Charice’s version of Let it Go can put Idina Menzel to shame. Bravo!”Isang Twitter user na si  Cris Oliver:“Aminin naman natin wala pa ring kupas si Charice.

Every time she hits the stage, she makes sure people remember.”

 

Read more...