Relasyong AIKO-JOMARI may part 2 | Bandera

Relasyong AIKO-JOMARI may part 2

- May 04, 2012 - 03:58 PM

HINDI nga kaya sa pagbabalikan din mauwi ang nagkahiwalay na dating magdyowa na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Open naman ang dalawa sa pagsasabing napakaganda ng relasyon nila ngayon bilang magkaibigan.

Ilang beses na rin silang nagkasama sa mga proyekto matapos ang kanilang paghihiwalay at puro papuri pa rin ang sinasabi nila sa isa’t isa.

Kaya hindi imposibleng sa pagbabalikan mauwi ang kanilang friendship.

And for sure, ‘yan din ang gustong mangyari ng kanilang anak na si Andrei na binatilyo na ngayon.

In fairness naman kina Jomari at Aiko, talagang hindi sila nagkukulang bilang mga magulang kay Andrei kahit na hiwalay sila. Well, tiyak na mas naging close pa ang dalawa nang magsama silang muli para sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood na ngayong gabi.

Bibigyang-buhay nila ang mga karakter nina Mariz at Nonit na kapwa sinubok ng panahon ang tatag ng pag-ibig para sa isa’t isa.

Bagama’t nakita na niya ang kanyang one great love, hindi nagawa ni Mariz na sumama kay Nonit dahil sa pangakong hindi mag-aasawa hangga’t hindi napagtatapos ng kolehiyo ang lahat ng mga kapatid.

Matapos niyang malamang kinasal na si Nonit sa iba, binuhos ni Mariz ang panahon sa kanyang pamilya at naniwalang nakatakda siyang maging matandang dalaga.

Ngunit gugulatin siya ng tadhana dahil matapos ang maraming taon, magtatagpo silang muli ni Nonit.

Magkasama na kaya sila uli ng kanyang one great love?

Kasama nina Aiko at Jomari sa MMK episode na ito sina Bernadette Allyson, Dexter Doria, Daria Ramirez, Debraliz, Bodjie Pascua, Yda Yaneza, Nene Tamayo, DM Sevilla, Jessica Connely, Buddy Palad at Koreen Medina.

Ito ay sa direksyon ni Don Cuaresma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood pa rin ang MMK hosted by Charo Santos pagkatapos ng Wansapanataym.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending