FRESH and new look na dumating si Richard Yap sa grand opening ng bago niyang restaurant, ang Wang Fu Café sa UP Town Center, Katipunan last Wednesday.
Kadarating lang ni Richard from a one-week vacation sa Dubai with his wife Melody and their friends. From the airport ay umuwi muna si Richard sa bahay nila sa Taguig City for a quick shower, and then, dumiretso na siya sa kanilang resto.
Nagulat kami nu’ng dumating si Richard sporting a new look, huh! Kung si Nash Aguas ay Bagito, si Ser Chief naman ay naka-bigotilyo’t humpak na humpak ang pisngi.
Unlike other celebrities na kapag naga-abroad ay nagtatabaan, si Richard ang laki naman nang ipinayat. “Ah, nagpapayat talaga ako para hindi ako masyadong malaking tingnan sa TV. Ha-hahaha.
Kasi mahirap, sasabihan ka lagi, ang taba mo sa TV,” natatawa niyang pahayag. Pagkatapos daw ng New Year ay nagpunta sila ng pamilya niya sa Hong Kong. But this time sa Dubai, hindi na nila isinama ni Melody ang kanilang mga anak.
“Bakit sa Dubai? Ah, wala lang. ‘Yung mga friends namin hindi pa nakapunta ng Dubai. Mga barkada ng wife ko, mga couple-couple. Hindi kasama ang mga bata kasi may pasok,” lahad niya.
Siyempre, may hangover pa si Richard sa super-mega success ng movie nila ni Vice Ganda na “The Amazing Praybeyt Benjamin.” Thankful daw siya sa blessing na nakuha ng movie nila ni Vice.
Biniro namin siya kung saan niya dinala ang bonus niya sa “The Amazing.” “Ah, sa bangko. Nailagay na sa bangko kasi siyempre tseke. Ha-hahaha! Pero ‘yung pinanggastos namin sa Dubai, doon namin kinuha!”
Of course, tinanong namin si Richard kung bakit nawala siya sa Valentine concert ni Ai Ai delas Alas. Pero nag-request siya na ipa-off the record na lang ang dahilan.
Samantala, may inalok na raw na bagong teleserye sa kanya ang kanyang home studio. But nothing’s definite pa with regards sa mga makakasama niya sa teleserye. Basta ang tiniyak niya sa amin, kakaiba raw ang role niya rito kumpara sa mga nagawa na niya.
This maybe one of the reasons kung bakit nagpatubo ng bigote si Richard ngayon.
Pinangunahan nina Julia Montes at Gerald Anderson ang ribbon-cutting sa bagong branch ng resto nina Richard Yap and business partners at ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.
Kasamang dumating ni Malou sa grand opening ng resto ang premyadong direktor na si Olivia Lamasan. Bago ang ribbon-cutting ay nagkaroon muna ng dragon dance at nagpakitang-gilas ang mga kabataang Wushu experts.
Isang Wushu master ang isa mga may-ari ng resto na si Lester kung saan nakatrabaho siya ni Malou in one of Star Cinema projects.
Nag-soft opening na ang Wang Fu last December and so far so good naman daw ayon kay Lester. Itinaon naman daw ‘yung date ng grand opening sa pinaghalu-halong birthday ng mga may-ari ng restaurant.
Secret daw kung paano ang sharing nila ng capital for the resto at may kanya-kanya silang designation. Like si Richard sa marketing at si Lester sa operation.
“Ako, one percent. Ha-hahaha! Hindi pwede i-disclose. Hindi, basta, meron kasi kaming ano, sharing. Depende kung ano ‘yung contribution namin sa business,” sabi ni Richard.
In fairness, ibang-iba nga ang food na natikman naming sa Wang Fu, huh! “Ah, maraming part ng menu namin are Singaporean-Chinese. Kasi maraming klase ng Chinese food, e, from different regions,” pang-engganyo pa ni Lester.