Carla Abellana na-bad trip, ginawang engot ng ad agency

carla abellana
Na-badtrip si Carla Abellana  sa ginawa sa kanyang panggagago ng production ng isa niyang endorsement.

Sa Instagram niya ipinadaan ang kanyang sentiment matapos siyang lokohin ng production. “Gigisingin ka para sabihing naging mas maaga ng dalawang oras ang calltime mo.

Babangon ka para maligo, mag makeup, magbuhok at magbihis sa loob ng isang oras. Record sakin yun. I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho.

Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mo silang biguin” say ni Carla. “Magmamadali kang umalis ng bahay dahil bukod sa ayaw mong ma-late, alam mong biyernes ngayon kaya doble ang traffic.

Nasa North ka nakatira at nasa dulo ng South ang trabaho mo. Sumakay ka ng kotse hingal na hingal ka pa. Nakarating ka sa trabaho mo ng mas maaga pa ng konti.

Masaya ka dahil nakaabot ka at alam mong mapapasaya mo ang kliyente” dagdag pa ng dalaga.“Biglang sasabihin sayo na balik na sa orihinal na calltime ang trabaho mo.

So ngayon mas maaga ka na sa location ng dalawang oras. Naghahanap ka ng libangan, pupunta nalang muna sa ibang lugar. Palayo ka na ng konti para lang malamang cancelled nalang pala ang trabaho mo.

Hindi naman yata tama ito. #tsktsk.” Malinaw na malinaw na ginago si Carla ng namamahala sa commercial ng kanyang endorsement na hindi pala TAO kausap, na hindi pala PROFESSIONAL ka-deal.

Read more...