Kris nawalan ng powers, nakatikim ng malakas na sampal

judy ann santos
“Wala na siyang choice kundi ang i-follow uli si Juday!” ‘yun ang lumulutang na kuwento ngayon kung bakit biglang ibinalik na ni Kris Aquino ang pag-follow kay Judy Ann Santos sa Instagram.

Para sa mas nakararami ay ‘yun na lang ang puwedeg pagdesisyunan ngayon ng aktres-TV host dahil walang oras na hindi siya binabarag ng mga kababayan natin.

“Nangangamoy sa baho ang pangalan nilang magkapatid, hindi siguro naisip kahit minsan lang ni Kris na ganito pala ang mapapala nila!

“Nawalan siya ng kapangyarihan ngayon, hindi niya inakala na pati ang mga kapwa niya artista, e, maglalabas pala ng saloobin sa ginawa ng kuya niyang pangulo! Napakalakas na sampal ‘yun kay Kris!” komento ng isang kaibigan naming propesor.

Nagsanib-puwersa kasi ang mga tagahanga ng mga artistang ginawan ng hindi maganda ni Kris, pinupog siya ng mga ito, kaya paggising pa lang niya sa umaga ay sangkaterba nang upak ang inaabot niya.

“Ang hirap kasi kay Kris, e, napakayabang niya! Iniisip niya rin na beholden sa kanya ang mga personalities, bakit, siya ba ang nagpapakain sa mga taong ‘yun para kampihan siya sa mga kapritso niya?

“Magtigil siya! Ngayon, e, kailangan na niyang mag-isip at mag-ingat, tapos na ang powers niya!” madiin pang komento ng isang inis na inis sa kanilang makapatid.

Read more...