Jake Ejercito binanatan uli si Noynoy, damay sina Cory at Ninoy

jake ejercito
Speaking of Jake Ejercito, sunud-sunod ang pamba-bash sa kanya ng Aquino supporters nang mag-post siya sa kanyang Twitter account ng, “I’ll give up on life if PNoy mentions his parents again.”

Sa mga speech kasi ni Presidente Noynoy Aquino ay parati niyang nababanggit ang magulang niyang sina Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino dahil proud siya bilang anak bagay na ikinauuta na ng maraming Pinoy, kabilang na diyan ang mga anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Una na ngang tumira kay P-Noy si Jerika Ejercito at sinundan naman ni Jake.  Inulan ng batikos si Jake dahil sa post niya, bagama’t may mga umaayon din naman sa kanya, pero mas nakararami ang galit sa ginawa niya.

Hindi na namin isusulat kung anu-ano ang mga ito bilang paggalang din sa kanyang amang dating presidente ng bansa.
Ganito rin ang inabot ni Jerika mula sa supporters ng mga Aquino nang tirahin niya si Kris.

Mismong si Mayor Erap pa nga ang nag-sorry kay Kris dahil sa ginawa ng anak. Nakuwestiyon tuloy kung nagbabayad ba sila ng tax, may nagsabi pa nga na baka raw ang ginagastos daw ng magkapatid ay galing sa taumbayan lalo na si Jake na walang ginawa kundi mag-party nang mag-party?

Sobrang hinangaan nga namin si Mayor Erap sa ginawa niyang pagpapakumbaba at akuin   ang ginawa ng mga anak, marahil ay hindi alam ng magkapatid na Jerika at Jake kung gaano ka-close ang ama nila at si dating Pangulong Cory.

Samantala, balitang may isa pang kilalang personalidad ang humingi rin ng sorry kay Kris sa pambabatikos ng kaanak nito kay P-Noy.

Read more...