Kim sa relasyon nila ni Xian: malapit na, konting push na lang!

xian lim
Tila binibitin pa nina Kim Chiu at Xian Lim ang madlang pipol tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nang matanong kasi ang Kapamilya actress kung ano na ba talaga ng status nila ni Xian ay ito ang naging tugon niya, “Malapit na, konti na lang, konting push na lang.”

Sa ngayon ay naghahanda na ang magka-loveteam para sa susunod nilang teleserye sa ABS-CBN. Tungkol naman sa plano nila sa darating na Valentine’s day, magkakasama raw sila sa isang event na magiging regalo nila sa kanilang mga fans.

“Maggi-guitar kami ni Xian, yung request nila sa Twitter namin ay mag-perform namin,” ani Kim.

Read more...