TILA natakot ang TV host na si Grace Lee na madamay pa sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Pa-ngulong Noynoy Aquino na may kinalaman nga sa pagkamatay ng 44 pulis ng SAF sa Maguindanao.
Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press si Grace sa nakaraang presscon ng Sine Asia ng SM Lifestyle Entertainment at Viva Entertainment kung saan siya ang nagsilbing host ng event.
Alam naman nating lahat na may “nakaraan” sila ni PNoy at kamakailan nga ay naging mainit ang palitan nila ng opinyon ng isang loyalista ni Noynoy at veteran singer na si Leah Navarro.
Hangga’t maaari ay ayaw nang palakihin pa ni Grace ang isyu sa kanila ni Leah at sa pagkampi nito sa pangulo tungkol sa ginawa nitong kapalpakan sa isyu ng tinaguriang Fallen 44.
“Marami naman talagang nagmamahal kay PNoy at nagtitiwala sa kanya na isa siyang mabuting Pre-sidente. I have no problem naman na she’s a loyalist,” paliwanag ni Grace Lee sa isang panayam.
Kasabay nito sinabi rin niya na wala siyang personal na motibo sa di pagkampi kay Noynoy at hindi rin niya personal na kilala si Leah Navarro.
May nagtanong din sa Korean TV host na kung ano ang saloobin niya tungkol sa paghuhugas-kamay diumano ni PNoy sa Mamasapano incident, pero mukhang nag-alangan na itong sumagot.
Chika ni Grace, “I don’t think I’m qualified to say. Ano naman ang karapatan ko para sabihin sa kanya kung ano ang opinyon ko, e, isa lang akong ordinary citizen.”
Hirit pa nito, “I don’t think my feelings are special just because of the past. I think, my sentiments and the sentiments of any ordinary Filipino is the same.
Why would my sentiments be more special because of what happened? I don’t think I deserve that kind of credit.” Dahil dito, marami ang nagtanong kung bakit biglang naduwag ang TV host sa pagbibigay ng opin-yon laban sa pangulo.