JM binalaan: mamalasin uli pag binalikan si Jessy

jm guzman
We watched “That Thing Called Tadhana” last Thursday together with my “baby”. Hindi pa pala niya napapanood ang movie na ito na nagpanalo ng dalawang best actress trophies for Angelica Panganiban.

Maganda ang movie, it’s a simple love story of two people na aksidenteng nagkakilala sa airport. From there, they learned na pareho silang sawi.

We know now kung bakit nanalo si Angelica ng dalawang best actress trophies. She was perfect for the role. Her comic timing is just great. Walang labis, walang kulang sa kanyang acting. It was all natural.

As a young woman who has this kanto-girl demeanor na panay ang mura, Angelica was able to breathed life to her role. Siyang-siya ang character niya.

Now, we saw on social media na nag-date sina JM de Guzman, leading many ni Angelica sa “That Thing Called Tadhana” and Jessy Mendiola, his ex-girlfriend.

Easily, ang daming hindi nagkagusto na makita ang dalawa  because it was Jessy who made life for JM miserable after nilang mag-break up. Puro bash ang inabot ni Jessy sa social media.

“Not Again JM! please SAVE yourself from this Girl :(” “Saw Jm in person and he’s so HOT! sayang naman if balik ka na naman sa kanya. shes not worth it!”

“Hoy Jessy ikaw ang Jinx sa buhay ni JM… Pwede ba wag mo sya hilahin ulit nag uumpisa pa lang sya ulit.” Iyan ang karamihan sa talak ng fans ni JM na galit na galit kay Jessy.

Kaya mag-ingat ka girl dahil baka may banta na pala sa buhay mo!

Read more...