NAGKASAKIT pala si Erik Santos matapos kumanta sa papal visit ilang linggo na ang nakararaan.
Nagkaroon ng laryngitis o “inflammation of voice box” si Erik ilang araw matapos siyang kumanta sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa Quirino Grandstand. Ito raw ang unang pagkakataon na nagkaroon ng laryngitis ang Kapamilya singer.
“First time kung magkaroon ng laryngitis. Actually nu’ng kumanta ako for Papal Mass mayroon na po siya,” anito sa Kris TV kahapon.
“Sabi nga there’s a bug, parang yung kumanta sa Quirino Grandstand, may members din ng choir na hanggang nga-yon ay wala pang boses,” dagdag pa ng binatang singer.
Bukod sa ilang araw na pahinga, uminom na rin daw ng antibiotics si Erik sa loob ng isang linggo, “Ako for one week di ako nagsalita. Gumaling pero hindi pa siya 100% na okay.”
Itinuturing naman ni Erik na “biggest performance” niya ang pagkanta sa papal visit, siya ang naatasang kumanta ng responsorial psalm sa nasabing misa officiated by Pope Francis.