Resbak ni Kris sa Bashers: Hindi po ako pinalaki ni Cory Aquino para maduwag!

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

ILANG oras lang tumahimik si Kris Aquino tungkol sa walang tigil na pang-aalipusta sa kanya at sa kuya niyang Pangulo na si Noynoy.

Dahil nu’ng isang gabi, hindi na naman nakatiis ang TV host-actress sa kanyang pananahimik. Isang follower kasi niya sa Instagram ang nag-post ng isang mensahe tungkol sa pinagdaraanan niya ngayon.

Sabi nito, “It’s not easy to be a famous celebrity and to be the President’s sis…Be happy. It’s not easy but it’s all worth the pain.”

Ito naman ang naging sagot ni Kris: “(N)ot easy, but KAYA. Y? Naku naman nagkamulat ako nakakulong dad ko, 12 ako nung pinatay sya, from 15-21 yrs old how many coup attempts did we survive? But guess what – I have always learned to focus on the positive.

“Sa personal life, grabe rin ang trials – but CORY AQUINO didn’t raise me to be a coward, from my Mom I learned firsthand how to be BRAVE. Y? Because she taught me to PRAY! Thank you sa post! Much love back to you,” dagdag pang pahayag ni Kris.

Hindi pa rito nakuntento si Kris, talagang ipinost niya uli ang screenshot ng mensahe ng kanyang follower na nilagyan pa niya ng caption na: “This was worth sharing… Friends have asked where do I get my strength? I replied: from my Mom, from what I saw in her growing up, from what she instilled in me, she never condoned my mistakes, but she never lost faith that I could be better.

“And most of all, because she taught me how TO PRAY…Until she died, my Mom never showed me weakness, sa kanya BAWAL ANG DUWAG? Good Night IG Friends,” dagdag pa ni Kris.

Tiyak na magre-react na naman ang mga netinzens sa sinabing ito ni Tetay. Siguradong sasabihin na naman ng mga ito na wala nang ginawa ang TV host kundi ang idamay lagi ang kanyang mga pumanaw na magulang sa mga isyu.

Read more...