Simple lang din ang naging hirit ng klasmeyt-kumpare naming OPM President Herminio “Ogie” Alcasid Jr. hinggil sa iskandalo sa gobyerno, partikular na ang isyu sa Fallen 44.
“Nakakagalit talaga, nakakainis, he (Pangulong Noynoy) should have been there,” bahagi ng paliwanag nito tungkol sa hindi pagsipot ni P-Noy sa “arrival Honors” ng 44 pulis ng SAF na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano incident.
Pero mas ineengganyo ni Ogie na maging mahinahon at magbigay pa ng compassion ang bawat Pinoy dahil aniya, “Higit kailanman, ngayon talaga sa mga pagkakataong ito natin dapat tumulong sa gobyerno natin. Tulungan na kaya natin?”
Hindi man daw siya nagpapaka-religious o anupaman, pero napakalaking bagay daw nu’ng naging pagdalaw sa bansa ni Pope Francis at ituro sa atin ang magagandang aral. “What’s the use nang nagkumahog at halos lahat tayo ay nakiisa sa kabanalan niya kung magpapaapekto tayo sa mga negatibong bagay?” tanong uli nito.
May balak na mag-hold ng libreng concert ang OPM para sa Fallen 44. Isa raw ito sa mga uunahin nilang gawin this 2015, “Yun lang naman ang alam naming magkakaisa kaming lahat. Sana makatulong,” hirit pa ni Ogie.
Hiningan din si Ogie ng komento tungkol sa pag-unfollow ni Kris sa kaibigan din nilang si Judy Ann Santos na hayagan ding kumontra kay P-Noy, “Everybody has the right to say what they have to say. And knowing Juday and Ryan (Agoncillo), bihira naman magsalita ng ganyan ‘yan, so I’m sure pinag-isipan din naman nila ‘yon. Gaya ng sinabi ko, we live in democracy. Lahat tayo may karapatan sabihin ang nais nating sabihin.”
Ngayong March 14 naman ay mayroong 12-hour OPM festival na magaganap sa Bonifacio High Street Amphitheater na pinamagatang “Palakasin ang OPM: Collab Sessions.” Magsasama-sama nga ang ilan sa pinakamalalakas na boses ng musikang Pilipino gaya nina Ogie, Sandwich, Davey Langit, Lolita Carbon. Noel Cabangon, Lara Maigue, Christian Baustita, Basti Artadi, Quest at Gary Valenciano.