Ang boyfriend na ba ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Kate ng Lasang, Riverside,  Davao City

Problema:

1. May boyfriend ko sa ngayon, tawagin na lang natin siyang Patrick. Ang problema dalawa kaming girlfriend nya, pero lagi nya namang sinasabing mas mahal nya ko don sa isa, humahanap lang daw siya ng tamang panahon para makipag-break na sa una nyang girlfriend.

2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung totoo kaya ang sinasabi ng boyfriend ko na mas mahal nya ako doon sa isa nyang GF at sure win na kaya ako sa puso nya na kung sakaling magpapakasal at mag aasawa na siya ako kaya ang pipiliin nya? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito, kasi marami na rin sa aming nangyari? November 7, 1990 ang birthday ko at February 3, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa,
Kate ng Lasang,
Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Aquarius naman ang boyfriend mo ay nagsasabing hindi kayo compatible sa isat-isa, kaya darating ang saktong panahong magkaka-break din kayo, upang pagkatapos ang ikalawang magiging boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Taurus ang siya mo ng makakatuluyan at mapapangasawa.
Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing hindi ang boyfriend mo na may birth date na 3 ang iyong makakatuluyan, bagkus isang lalaking paparating palang na may birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29.

Luscher Color Test:

Upang palarin ka sa pag-ibig, ugaliin mong mag suot ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang hihigop ng suwerte at dagdag pang magagandang kapalaran sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Huling payo at paalala:

Kate ayon sa iyong kapalaran, hinay-hinay lang sa kasalukuyan mong boyfriend at wag mong ibigay ang lahat, dahil sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Pebrero o kaya’y Marso tuluyan na kayong magkakahiwalay dahil pipiliin niya yong isa pa nyang girlfriend kaysa sa iyo. Ganon paman, hindi ka dapat na malungkot, dahil sa taon ding ito pagsapit ng buwan ng Hunyo, may panibagaong relasyon darating na mas masaya at pang habang buhay na – hatid ng isang lalaking may initial na J.A., tulad ng nasabi na, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Read more...