Vice sa BF: OK lang sa akin kung i-date niya ‘ko sa parking lot!

vice ganda
Kahit anong pilit ay talagang hindi napaamin si Vice Ganda kung sino ang boyfriend niya ngayon.

Though aminado naman ang TV host-comedian na super inspired siya ngayon sa buhay at sa kanyang career.  Chika ni Vice, “E, lahat naman tayo, kailangang inspired. Hindi naman kinakailangang dyowa mo yung tao, may relasyon sa iyo.

“Puwede yung isang tao, gustung-gusto mo, nai-inspire ka niya every day, hindi kinakailangan na mayroon kayong relasyon. Basta masayang-masaya ako ngayon, may taong nag-i-inspire sa akin.

“Pero hindi ko na ipapaalam kung sino sa inyo, nire-reserve ko na sa sarili ko,” paliwanag ng It’s Showtime host. Natanong naman si Vice sa isang interview kamakailan kung may plano na silang gawin ng kanyang bagong dyowa sa darating na Valentine’s day, sagot ng komedyante, “Hindi, paano nga kami magba-Valentine’s Day, e, hindi nga kami lumalabas? Last year, sa bahay lang…hindi pa namin alam.

“Romantic ako, super effort, ang dami ko na ngang naibigay! Pero ako mababaw lang ako, sobrang babaw, padalhan nga lang ako ng pares, e, masaya na ako. I-date nga lang ako sa parking ng Burger King, masayang-masaya na ako.

Lagi ito, pero ‘di ko sasabihin kung saang branch.“Basta madaling-araw, nagugutom kami, lalabas kami, magda-drive-thru kami. Tatambay lang kami sa tapat.

Sobrang simple lang namin, basta magkasama lang kami, masaya na kami.” Sinabi rin ng TV host na hindi raw siya demanding na partner, todo-todo na ang pasasalamat niya kahit bigyan siya ng maliit na bagay ng boyfriend niya.

“Ay, ‘di ako ganu’n. Hindi ko nire-require, hindi ko dine-demand na yung amount ng pagmamahal ko, na kung ano ang ibinibigay ko sa kanya, e, makuha ko pabalik, mali yun.

“Kung ano lang kaya mong ibigay, ie-enjoy ko yun. Yung hindi mo kayang ibigay, hanapin ko sa ibang paraan,” pahabol pa ni Vice.

Read more...