Heart umaasa na lang sa himala para makumpleto ang kasal nila ni Sen. Chiz

heart evangelista
HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Heart Evangelista – baka nga naman may himalang mangyari at biglang dumating sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang mga magulang.

Sa Feb. 15 na ang wedding nina Heart at Chiz na gaganapin sa Balesin Island Club pero hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ama’t ina ng Kapuso actress, talagang hindi raw dadalo ang mga ito sa kasal ng kanilang anak.

Ayon kay Heart, hindi na siya umaasa na sasamahan siya ng kanyang parents sa paglalakad patungong altar pero aniya, nandu’n pa rin ‘yung kaunting faith na bibiglain na lang siya ng mga ito sa mismong araw ng kanyang wedding.

Sa nakaraang interview kay Heart sinabi nito na kaya naman niyang maglakad nang mag-isa patungong altar para pakasalan si Sen. Chiz, sumisimbolo raw ito ng kanyang katapangan bilang isang babae.

“Actually ever since before, ‘yun naman talaga ang naging problema namin ng parents ko. It’s very hard for them to let go. So matagal ko na rin sinasabi, even in my previous interviews, na baka hindi sila pumunta.

Siyempre may konting hope ako na duma-ting sila. But I’ve accepted that,” pahayag ng Kapuso actress. Dagdag pa niya, “It is also big for me to walk na mag-isa kasi parang ‘yon na rin ang naging journey ko, na maging brave.

Pinaninindigan ko ‘to and this is my lifetime choice. As a woman, this is where I will go.”  Pero siniguro naman ni Heart na dadalo sa kasal ang kanyang mga kapatid.

“Actually, they wanted to walk me down the aisle. Pero sinabi ko na daddy ko lang talaga ang gusto kong maglakad sa akin. So walang magre-replace sa kanya.

Maglalakad ako pero sa bandang gitna, nandoon ‘yung mga kapatid ko. Sila ang magbibigay sa akin kay Chiz,” aniya pa.
So, hintayin na lang natin kung magkakaroon nga ng himala sa mismong araw ng kanilang kasal.

Tiyak na magiging malaking isyu yun kung sakaling mangyari. At wait na rin tayo kung talbugan nina Chiz at Heart ang Dong-Yan wedding.

Read more...