Jasmine Curtis hindi tinraydor ang TV5, legal ang guesting sa ABS

jasmine curtis
KINLARO na ni Jasmine Curtis na pinayagan siya ng TV5 na mag-guest sa Aquino & Abunda Tonight noong nakaraang Huwebes para sa promo ng “Halik Sa Hangin” na showing pa rin ngayon kasama sina Gerald Anderson, Julia Montes at JC de Vera.

Kaya pala nu’ng tinanong namin ang executive producer ng AA na si Nancy Yabut tungkol kay Jasmine ay binanggit sa amin na promo lang daw yun para sa nasabing pelikula ng Star Cinema.

At nang makatsikahan nga si Jasmine ng entertainment press na nag set visit sa programa niyang Move It! Clash of Streetdancers sa TV5 ay nabanggit niyang nagpaalam siya sa kanyang mga bossing sa Singko.

“Siyempre, ipinaalam din naman po at pinayagan po, thankful for both networks for allowing me to do it. “Siyempre hindi naman po madali yun, lalo na ‘pag exclusive contract star ka, ‘di ba, sa isang network.

Thankful naman ako na kahit papa’no, pinapayagan ako pareho. “Like, iniimbitahan ako ng ABS-CBN, pinapayagan ako ng TV5, it’s two teams working hand in hand.

“And kahit na there’s a network war, in terms of letting your artists grow as an individual, nagagawa ko pa rin yun,” paliwanag ng dalaga.

Read more...