No.1 spot pag-aagawan ng Talk ‘N Text, Meralco

TALK N TEXT

INQUIRER PHOTO

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Kia Carnival vs. San Miguel Beer
7 p.m. Talk ‘N Text vs. Meralco

PAGLALABANAN ng Talk ‘N Text at Meralco ang unang puwesto sa PBA Commissioner’s Cup sa kanilang pagtutuos mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay sisimulan ng San Miguel Beer ang kampanya para sa ikalawang sunod na kampeonato sa pagsagupa nito sa Kia Carnival.
Ang Tropang Texters at Bolts ay nagwagi sa kanilang unang dalawang laban.
Naungusan ng Tropang Texters ang Rain Or Shine, 89-86 bago tinalo ang Blackater Elite, 88-78 sa Biñan, Laguna noong Linggo.
Ginulat naman ng Bolts ang crowd-favorite Barangay Ginebra, 85-74, sa opening day ng torneyo bago tinisod ang Kia Carnival, 90-80.
Sa import match-up ay magkikita ang nagbabalik na si Richard Howell at magilas na Josh Davis.
Nakabawi si Howell sa malamyang 13 puntos na nagawa niya kontra Elasto Painters nang magtala siya ng game-high 29 kontra Elite.
Matindi naman ang mga numero ni Davis laban sa Gin Kings nang kumulekta siya ng 25 puntos at 24 rebounds pero nalimita siya sa 19 puntos kontra Kia.
Nagbida para sa Bolts kontra Kia ang reserbang point guard na si Jai Reyes na nagtala ng career-high 16 puntos. Ang iba pang inaasahan ni Meralco coach Norman Black ay sina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at Sean Anthony.
Makakatapat nila sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams at Larry Fonacier.
Bago natalo sa Meralco, ang Kia ay nabigo sa  Globalport, 100-89, noong Enero 27.

Read more...