Mabait palang amo si Iza Calzado.
Say ng kanyang dating driver, wala siyang maipintas sa Kapuso actress na ngayon ay Kapamilya actress na. During time of emergency ay talagang maaasahan daw si Iza.
Kapag nagigipit kasi ang kanyang driver o sinumang staff sa kanyang household ay nakakautang sila at walang pagdadalawang-isip si Iza na tumulong.
When the driver needed money, kaagad siyang pinapahiram ni Iza. Nang makautang nga siya ng P20,000 ay hulugan niya itong binayaran sa aktres.
Kada sahod ay nagbibigay siya ng pakonti-konting bayad kay Iza. Nagugulat pa nga raw ang dalaga kung para saan ang perang inaabot niya.
Nang kumita ang movie na pinagbidahan nina Iza at Piolo Pascual ay binigyan ng bonus ang aktres. Since nakatanggap siya ng bonus, she glady shared it sa kanyang driver at alalay.
Ang akala pa nga raw ng driver ay panggasolina ang ibinigay ni Iza na P10,000, ‘yung pala ay bonus niya iyon mula sa aktres.
Kaya lang, nilayasan ng driver si Iza.
Hindi kasi niya makasundo ang female production assistant ng aktres. Kung makautos daw kasi ito ay parang siya ang amo, walang please man lang kapag may gustong ipagawa sa kanya.
Hindi na natagalan ng driver ang pagmamahadera ng PA ni Iza kaya naman ito na rin ang kusang nag-resign.