Gusto ring mag-artista ni MJ Lastimosa. Ngayong nakabalik na siya sa Pinas matapos lumaban sa Miss Universe, type raw ng dalaga na pasukin na rin ang showbiz dahil siya na ngayon ang tumatayong bread winner sa pamilya.
“Iniisip ko talaga nu’ng pauwi ako, I really have to do something. Dapat may next plan na ako. Nawala na yung padre de pamilya namin, my uncle, last December.
“Iniisip ko na I really have to work not for me, not for the things that I want but for my family. I want to give them a good life kasi wala na silang inaasahan,” aniya sa The Buzz last Sunday.
MOST READ
LATEST STORIES