Kaya nga bilib kami sa tulad nina Jomari Yllana, Judy Ann Santos, Cristine Babao-Bersola, mga news anchors na sina Noli de Castro, Ted Failon, Anthony Taberna, Julius Babao, Mel Tiangco, Tulfo Brothers at marami pang iba na talaga namang harapan kung mag-express ng kanilang sentimiyento laban sa pangulo.
Talagang hindi sila natakot na ilabas ang kanilang saloobin sa pinaggagagawa ni P-Noy. Ganyan ang kahanga-hangang media personalities, as in talagang walang kinikilingan at pinoprotektahan.
Ang medyo naloloka lang kami ay yung ibang artista na madalas ay maiingay sa mga isyung bayan pero sa nakaraang isyu ng Fallen 44 ay dedma sila. Gaya ng mga maiingay na human rights advocates na nakakabingi ang sobrang katahimikan ngayon! Halleerrr!