Kasalang Luis-Angel magkakaroon ng problema dahil daw sa relihiyon

luis manzano
MILYONES ang gustong gastusin ni Luis Manzano sa engagement ring na ibibigay niya kay Angel Locsin sakaling mag-propose na nga siya.

Sa presscon kahapon ng pagbabalik sa ABS-CBN ng game show na Deal Or No Deal kung saan si Luis pa rin ang magiging host, nagbiro ang TV host-comedian na wala pa siyang mahanap na perfect ring para sa kanyang girlfriend.

Ang type raw kasi niyang singsing ay milyun-milyon ang halaga para hindi raw makahindi si Angel once na yayain na niya itong magpakasal. Biro pa ni Luis, hihingi raw siya ng pera sa nanay niyang si Gov. Vilma Santos pambili ng singsing.

“Sa kanya ako hihingi ng budget. Aba, mahirap na ang buhay ngayon!” chika pa ng binata. Pero muling siniguro ni Luis na hindi magiging “public” ang gagawin niyang proposal, “Pwedeng sabihing public in the sense na there will be copy in social media, but if I’ll do it on TV, parang hindi.

We want to share it din naman with the rest of the world, but I’d rather do it, like, ipu-post ko ang video. But the proposal itself, I’d like to do it in private.

“Parang hindi ko naiisip gawin yun, halimbawa sa ASAP, hindi ko naiisip gawin yun,” dugtong pa niya. Tiyak na magkakaroon ng problema ang magdyowa sa magiging set-up ng kasal nila dahil magkaiba sila ng religion – si Angel ay born-again Christian habang Katoliko naman siya, sey ni Luis, “Sa akin naman, I may be Catholic, but I also have a few Christian beliefs.

Ako, we just have to meet in between.“Naniniwala naman ako, like, correct me if I’m wrong, until now, hindi pinapayagan ng Catholic to have a beach or garden wedding? We still have to talk about that, the religion.

“In fact, we talked about that like when we have our kids, ano ang magiging religion nila? Sabi ko, we’ll cross the bridge when we get there,” esplika pa ng TV host.

Samantala, speaking of Kapamilya Deal Or o Deal, may malaking pagbabagong magaganap sa pagbabalik nito ngayong 2015.
Simula sa Lunes (Feb. 9), tunghayan ang muling pakikipagtawaran at pakikipagkulitan ni Luis sa studio contestant at kay Banker ngayon kasama na ang bagong grupo na maghahawak ng briefcases na naglalaman ng halagang maaring magbago ng kapalaran – ang Lucky Stars.

Iba ang kinang ng jackpot na P1 milyon dahil 20 kilalang personalidad ang mismong rarampa sa Deal stage. Mayroong teen heartthrob, beauty queen, character actor, comedian, sexy actress at marami pang iba.

Ngunit hindi lang tagahawak ng briefcases ang papel na gagampanan nila dahil sila rin ang maglalaro para sa kanilang kapalaran. Gamit isang roleta, pipiliin kung sino sa 20 lucky stars ang maglalaro para sa araw na iyon.

Maaari nilang ilaban ang laman ng hawak nilang briefcase o maaari silang makipagpalit sa kapwa Lucky Star nila. Matapos nito, simula na ng tawaran at pagsagot sa mahiwagang tanong na ‘deal or no deal?’

Ito ang pinakaunang pagkakataon sa lahat ng Deal or No Deal franchise sa mundo kung saan ang briefcase girls ay papalitan ng iba’t ibang kilalang personalidad na magsisilbi rin bilang studio players.

Sino kaya ang bubuo sa Lucky Stars? Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng bagong Kapamilya Deal or No Deal sa darating na Lunes sa ABS-CBN.

Samantala, sa nakaraan namang presscon ng Puregold Priceclub para kay Luis bilang endorser ng Puregold Perks Card, natanong ang binata kung mayamang-mayaman na siya dahil nga sa dami ng kanyang endorsements.

Sey ni Luis mas mayaman pa rin daw sa kanya si Angel dahil mas marami itong proyekto at commercials kesa sa kanya. Kaya nga natutuwa siya dahil siya ang napiling mag-endorse ng bagong card ng Puregold. Ibinalita rin ni Luis na handang tumulong ang nasabing kumpanya sa charity works nila ni Angel.

Ang Puregold Perks Card ay isang espesyal na privilege card na maaaring i-avail ng bawat shopper upang makaipon ng points at makakuha ng rewards para lalong maging mas exciting ang kanilang shopping experience.

Kasali na ngayon ito sa ranko ng Tindahan Ni Aling Puring program na siyang nagbibigay ng di mabilang na panalo benefits sa lahat ng mga sari-sari store owners at food resellers sa nakalipas na 11 taon.

Ngayon, sa pamamagitan ng card na ito, maaari nang i-avail ng bawat regular at non-business owner shopper ang amazing perks na hatid para sa lahat ng Pinoy.

Si Luis naman ay isa sa pinakamatagumpay na young artists ng kanyang henerasyon. Epektibong nai-launch ni Luis ang kanyang career at madami siyang na-inspire dahil dito. “Si Luis ang perfect Filipino artist na kakatawan sa Puregold Perks Card,” sabi ni National Operations Manager na si Antonio delos Santos. “Mula sa various segments ng mainstream Pinoy market ang mga taong humahanga, rumerespeto, at nagtitiwala kay Luis.

Ang hard work ni Luis ay patuloy na nagbibigay sa kanya ng great points sa puso ng mga Pilipino at isa yung great reward for any artist to accomplish.”

Maaaring i-avail ng bawat shopper ang Puregold Perks card. Pangako ng card na magpamudmod ng real benefits dahil maaaring mag-earn ang bawat shopper at ito ang siyang magbibigay sa kanila ng instant access sa special promos, exclusive discounts, at personalized offers.

Read more...