TULOY pa rin ang pagbira ng ilang local celebrities kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa malagim na kamatayan ng 44 miyembro ng elite Special Action Force ng PNP na nakipagsagupaan sa mga rebeldent terorista sa Maguindanao kamakailan.
Idinaan ng mga galit na galit na artista ang kanilang saloobin sa social media kung saan pinangaralan at pinagsabihan ng kung anu-anong masasakit na salita ang pangulo matapos nga nitong maghugas-kamay sa naganap na trahedya at isnabin ang heroes’ welcome para sa tinaguriang Fallen 44.
Mas inuna kasi P-Noy ang pagdalo sa isang car show kesa salubungin ang mga bangkay ng 44 pulis na napatay sa Mindanao habang nagsisilbi sa bayan.
Dahil dito, naging number one topic sa Twitter ang #NasaanAngPangulo kung saan puro panlalait ang inabot ng presidente.
Humanga kami sa tapang ni Jomari Yllana na walang takot na nag-post ng kanyang mensahe sa kanyang Facebook account laban kay P-Noy.
Anang aktor, “Ang akala nila, parang video game lang…Nag-ensayo lang at pinasubukan…Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt. “Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! lahat ng nasa gabinete mo mandarambong..
Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumeretso na rin ito sa impyerno…Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling… Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila.
Ikaw na!!! Ikaw na ang pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!!” Bukod kay Jomari, isa pang sikat na showbiz personality ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyang ito, hindi rin nagustuhan ni Judy Ann Santos ang mga palusot ni P-Noy sa pangdededma nito sa Fallen 44.
Nag-post pa si Juday ng isang artikulo tungkol kay U.S. President Barrack Obama na talagang nag-cancel agad ng kanyang importanteng lakad para salubungin ang mga labi ng mga nasawing sundalo sa US na nilagyan niya ng caption na: “Just saying…Obama knows his priorities…”
Pero kung marami ang kumampi at humanga sa katapangan ng misis ni Ryan Agoncillo, meron ding mga bumira sa kanya. Ayon sa isang nag-react sa mensahe ni Juday, wala itong karapatang magsalita nang masama kay Noynoy dahil artista lang siya.
Hindi ito pinaligtas ng aktres at talagang sinagot niya ito, “I respect your opinion, lahat tayo nagbabayad ng buwis kaya lahat tayo ay may karapatang magbigay ng sarili nating opinion at saloobin sa mga bagay na government ang involved.
“You might want to check other IG accounts of other public figures as well, we all share the same sentiments. Tao lang din kami kaya may karapatan din kaming sabihin kung ano ang nararamdaman namin.
It is an issue already to begin with,” resbak pa ni Juday.