Hiling ng Ton-Den fans: My Husband’s Lover part 2

tom rodriguez
MULA nang inilunsad ito noong 2012, tuluy-tuloy ang Kapuso Souvenir Store o mas kilala bilang “Fiesta” sa paghahatid ng Kapuso experience sa iba’t ibang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng mga GMA souvenirs at collectible items.

Sa pangunguna ng GMA Viewer-Directed Marketing Division, ang kakaibang proyektong ito ay isang sasakyan na nagsisilbi ring souvenir shop.

Mula sa mga payong at jacket tuwing tag-ulan hanggang sa mga sombrero at pamaypay tuwing tag-init, mayroong sari-saring paninda ang Fiesta para sa iba’t-ibang okasyon.

Mayroon din silang mga statement t-shirts gamit ang mga sikat na tag line at values ng GMA Network pati na rin ang mga kilalang programa nito.

Isa sa mga pinagkakaguluhan ng mga Kapuso ay ang t-shirt nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na sikat na sikat pa rin dahil sa serye nilang My Husband’s Lover.

Sa layuning abutin ang mas maraming manonood, tumungo ang Fiesta sa mga probinsya sa Norte tulad ng Tarlac, Pangasinan, Baguio, La Union, Vigan, Laoag at Pagudpud para sa READY, SET, NORTH! noong 2013.
Matapos ng nasabing matagumpay na biyahe,  inilunsad naman ang  CALABARZON Caravan noong 2014 kung saan bumiyahe ang Fiesta sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Bumibisita rin sa iba’t ibang regional festivals ang Kapuso Souvenir Store tulad ng Bangus Festival sa Dagupan, Bangkero Festival sa Pagsanjan, Obando Festival sa Bulacan, Panagbenga Festival sa Baguio, Peñafrancia Festival sa Naga, Pistay Dayat sa Lingayen at Sublian Festival sa Batangas.

Pumupunta rin ang Fiesta sa mga paaralan at mga bazaar. Samantala, umaasa pa rin ang fans ng Tom-Den na magkakaroon sila uli ng project together at sana raw magkaroon na ng part two ang My Husband’s Lover.

Nabitin daw kasi sila noon sa nasabing serye kaya request nila sa GMA gawan na ito ng follow-up this year.

Read more...