Ang future husband ni Angel Locsin na si Luis Manzano ang bagong endorser ng Puregold kaya naman tinanong ang binata sa ginanap na press launch noong Biyernes kung kasama ba sa talent fee niya ang isang branch ng Puregold bukod sa cash.
Natawa muna ang TV host-actor sabay sabing, “Hindi eh, ipinagpipilitan ko na nga ang sarili ko sa whole family (ng Puregold) na kung pwede ba ‘yung TF ko na lang eh isang branch pero hindi talaga eh, hindi kaya, eh!” sabi ng binata.
Hindi naman itinanggi ni Luis na gusto rin niyang magkaroon ng branch ng Puregold. “When I was hosting Tindahan ni Aling Puring, I got to witness first hand kung gaano karaming tao ang natutulungan nila, nakita ko kung gaano karami ang guminhawa ang buhay.
This is not because I’m speaking here as an endorser. I got to witness it first hand na ang dami nilang buhay na natulungan, and if I would be a medium to help people, then who would say no to them,” paliwanag ni Luis.
Isa pang tinanong kay Luis ay ang long overdue nitong sagot tungkol sa pagpasok niya sa pulitika. “Very soon. Nauusog lang. Once again, nag-usap kami ni Tito Ralph (Recto, his stepfather), I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, nu’ng later part in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first,” say ng binata.
As of now ay 50-50 ang sagot niya tungkol sa pagsabak sa 2016 elections. “One foot is in yes, one foot is in no. The question is which foot moves to the other side,” say ni Luis.
At siyempre ang isa pang paulit-ulit na tanong sa binata ay ang kailan ang kasal nila ni Angel, “We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin ni Angel,” pag amin ng TV.
‘Yun nga lang wala pang definite date kung kailan at saan ang kasal. Basta ang mahalaga raw sabi ni Luis, napag-uusapan na nila nang seryosohan ni Angel ang tungkol sa kanilang kinabukasan.
Bukod dito, ibinalita rin ni Luis na magkakaroon sila ng isang charity project ng aktres very soon para sa ilang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.
Actually, nagkakasundo ang magdyowa sa paggawa ng mga charity works at isa raw ito sa mga mas nagpapatatag sa relasyon nila ngayon.
Sey ni Luis, bukod sa pagkakaroon ng maraming trabaho, napakasarap din daw ng feeling ng maraming natutulungan kahit sa maliit na paraan lamang.