Ryza Cenon umamin: Inspirasyon ko ngayon si Jodi Sta. Maria!

jodi stamaria
Walang nararamdamang takot o inggit ang Kapuso actress na si Ryza Cenon sa nagbabalik-GMA na si Empress. Magkasama sila ngayon sa bagong afternoon series ng Siyete na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Iniintriga kasi sila ng ilang netizens, buti pa raw si Empress bida-kontrabida agad ang project sa pagbabalik Kapuso pero siya puro character roles lang ang ginagawa.

Sabi ng StarStruck 2 ultimate female survivor, “Huwag nang maging bitter, ‘di ba? Ang mahalaga may trabaho at hindi ako nababakante.”

Ayon kay Ryza, inspirasyon niya ngayon si Jodi Sta. Maria dahil alam niyang matagal ding naghintay ang Kapamilya actress bago narating ang leading lady status nito sa showbiz, “Hindi naman peg. I mean, iyon ‘yung mga inspirasyon ko.

Kapag napi-feel ko na kunyari minsan, nada-down ka…‘Na bakit ganito, bakit ganyan ang nangyayari, sila lang ‘yung tinitingnan ko.

“Para sabihin ko, ‘Hindi, blessed pa rin ako!’ Kasi, like nga sila, kung sila nga nakaya nila ‘yan, e, ako pa kaya? Parang ganu’n,” aniya pa.

Abangan n’yo raw ang mas daring at mas palabang Ryza Cenon sa Kailan Ba Tama Ang Mali? na magsisimula na ngayong darating na Lunes (sa GMA Afernoon Prime), kung saan marami siyang gagawing love scenes, at kung kanino siya mapapalaban nang paseksihan, ‘yan ang inyong tutukan!

Read more...