DEAR Aksyon Line,
Isa po akong trabahante dito sa Antipolo, Rizal. Gusto ko po sanang itanong kung paano gamitin ang kontribusyon namin sa Employees Compensation Commission?
Hindi po ba laging may P10 kada buwan na ibinabayad ang employer namin sa ECC. Katulad din po ba ito ng SSS? Hindi po kami masyadong pamilyar kung anong benepisyo ang pwedeng matanggap sa ECC. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po.
Oliver De Guzman
REPLY: Magandang hapon po Ginoong De Guzman.
Ang kontribusyon po tungkol sa ECC ay nanggagaling lamang po sa mga employers. Hindi po ito salary deduction.
Ang benepisyo po tungkol sa EC ay nakalaan para sa mga empleyado na nagkasakit, naaksidente o namatay dahil sa kondisyon ng kanilang trabaho.
Hiwalay o karagdagang benepisyo mula sa SSS ang EC. Bilang miyembro ng SSS, maaari kayong makatanggap ng SSS benefits kung may kaugnayan po ang insidente sa trabaho, may karagdagan pa pong EC benefits.
Nakaabang lamang po ang benepisyo sa mga na-turang insidente. Disability o death benefits ang kabuuan ng benepisyo sa EC.
Para po sa ibang impormasyon tungkol sa EC, maaari po kayong bumisita sa aming website-www.ecc.gov.ph.
Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.