MAGANDANG araw sa Aksyon Line.
Tatlong taon na lamang ay mag-60 years old na ako. Gusto ko sanang malaman kung pwede ba akong mag voluntary contribution sa SSS para makahabol at makapag-pension.
Gusto ko rin sana na malaman sa SSS kung ilan na ang aking contributions at kung may pagkakautang pa ako para magawan namin ng paraaan. Ang aking SSS no. …009.
Maryjane Lara
REPLY: Para sa katanu-ngan ni Gng. Lara, base sa aming record, mayroon kayong 80 contributions at kinakailangan pa ng 40 contributions para maka-avail ng pension benefits sa edad na 60 years old.
Maaari pa rin kayong magpatuloy sa pagbabayad ng contribution sa SSS bilang self employed. Mas magandang simulan na ngayon ang paghuhulog dahil tatlong taon at apat na buwan ka pang maghuhulog para mapunan ang 120 months contributions.
Lumalabas din sa SSS record na ikaw ay may emergency loan at salary loan si-mula pa noong 1984 na hindi pa nababayaran na mahigit sa P30,000.
Maaari naman bayaran kahit paunti-unti para pagdating ng retirement age ay hindi na magkaproblema pa.
Maaaring magtungo sa anumang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para sa pagbabayad ng iyong obligations.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.