LAST week ko pa natanggap mula sa isang friend ang isang text message saying that the charges of theft and robbery na isinampa ni tita Annabelle Rama against our dear friend, Nadia Montenegro, were all dismissed.
Iyon daw ang naging desisyon ng San Juan judge na humawak sa mga kaso.
And what’s this I heard that tita Annabelle naman was charged of grave coercion and other charges by Ms. Nadia at balitang she has to post bail for these?
Nag-prosper daw ang mga kaso ni Nadia laban sa kanya.
Nakalulungkot lang dahil kaliwa’t kanan ang asunto ni tita Annabelle.
I cannot comment naman further dahil kahit ako man ay nakaharap rin sa ilang libel cases. Ha-hahaha! Kasama yata talaga sa hanapbuhay namin ang kasong libelo kaya tanggap na ito ng puso ko. Nalungkot lang ako dahil I know how it feels na nakakasuhan – hindi yung takot na makulong or magbayad ng mga damages – but yung abala tuwing may hearing.
Lalo na sa bansang ito na palagi na lang nari-reset ang mga hearings.
Kumbaga, matagal ang proseso kadalasan kaya wala kang choice kundi ang gumising nang maaga para dumalo sa bista, just to find out na reset lang pala ito.
“May separate cases na isasampa o naisampa na si dating Mayor Boy Asistio laban kay Annabelle Rama sa Caloocan City.
Ito yung kinalat niyang kesyo ni-rape raw ni Boy ang sariling anak at age 10.
Kaloka kasi si Annabelle, parang loose cannon na kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig.
Nakalimutan niya yata na napaka-strong ng child protection law sa bansa natin, kung meron mang kasong talagang sensitive ang korte ay yung child protection thing.
Kaya malamang na may tulog siya rito.
At sinabi nga ni Nadia, di ba, na mapapatawad lang niya si Annabelle kapag nakulong na?” anang isang nakausap natin.
Iyan ang pinakamahirap sa lahat, kapag nag-prosper ang kasong ito ni dating Mayor Boy.
Malaking isyu talaga ito, nakakatakot to a certain extent. Baka kasi masampulan ng batas si tita Annabelle.
Ayokong isipin ito pero kailangang harapin nga ni Bisaya ang mga bagay na ito in the near future.
We are still praying, as friends of the two, na sana’y magkaayos sila out of court very soon.
Sana ay magkaroon sila ng chance na makapag-usap decently at makapagpatawaran.
Mahirap itong napasukan nilang gulo, lalo na kay tita Annabelle. Karapatan talaga ng kahit sinong ina, like Nadia, na protektahan ang kanyang mga anak.
Kahit sino namang ina ay ganoon ang gagawin, di ba?
Kung kay tita Annabelle man ito nangyari, I’m sure she will also do the same.