Semis target ng Café France, Jumbo Plastic

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. Bread Story-Lyceum vs Café France
4 p.m.  Jumbo Plastic vs Cebuana Lhuillier

MAGTATANGKA ang third seed Café France at fourth seed Jumbo Plastic na umabante na sa semifinals kung manalo sa mga karibal sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaro ng Bakers ang Bread Story-Lyceum sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Giants ay masusukat ng
Cebuana Lhuillier dakong alas-4 ng hapon.

Dahil nalagay sa ikatlo at ikaapat na puwesto, ang Bakers at Giants ay may bitbit na twice-to-beat advantage at kailangan lamang na manalo ngayon para samahan ang Cagayan Valley at Hapee na dumiretso na sa Final Four matapos angkinin ang unang dalawang puwesto.

Read more...